MCVO NEWSFM

"Ang Online Dyaryo at Radyo ng Masang Pilipino" Walang takot sa Pagbabalita Panig sa Katotohanan, Kamao ng Bayan."

SLIDER

LATEST NEWS

METRO MANILA

CULOMN

MCVO ORGANIZATION

POLICE REPORT

INTERNATIONAL

PROVINCIAL

SUMAN-BUDBUD - RIPED SWEET MANGO-LUTONG PINOY

SUMAN-BUDBUD - RIPED SWEET MANGO

Ingredients:

3 cups glutinous rice...
5 cups coconut milk, first extract
1/2 cup sugar
1 teaspoon salt
banana leaves

Mama's Guide Directions:

1 Wash malagkit very well. Drain.
2 Cook with coconut milk, salt, and sugar in a wok, stirring constantly.
3 When mixture is almost dry, stir to prevent it from sticking to the bottom of the wok.
4 Reduce the heat, and cover the mixture with banana leaves for a few minutes.
5 Wrap 2 tablespoon of the cooked malagkit in wilted banana leaves.
6 Tie in pairs, and steam for about 30 minutes in a big pot.
7 Serve with hot chocolate or ripe mangoes

PUTO BUMBONG -LUTONG PINOY

PUTO BUMBONG

Sangkap:

1 cup glutinous rice...
2 tsp purple food color (ube)
2 cups water
panutsa

Paraan:

1) Ibabad ang malagkit na bigas sa tubig ng overnight o magdamag.

2) Durugin ang binabad na malagkit ... Ihalo ang food coloring habang ito ay dinudurog.

3) Ilagay ang dinurog na malagkit sa isang malinis na katsa o cloth at salain upang hindi ito mamasa masa.

4) Kapag nanuyo nuyo na ang bigas mangyari lamang na ikuskos ito sa strainer o salaan

* Upang maging madali bumili na lamang ng rice flour sa tindahan o ipagiling ninyo ang malagkit.

6) Kung meron kayong bumbong o bamboo tube mas maige at lagyan ng malagkit sa loob at ilagay ito sa isang steamer. *Kung wala naman i-mold ninyo o ihulma sa korteng pahaba at ibalot sa aluminum foil ---- PAHIRAN MUNA NG MANTIKILYA ang aluminum foil upang hindi dumikit ang puto bumbong kapag ito ay naluto.

7) Steam ninyo ng mga 10 -15 minutos. Kung sa aluminum foil mga 20-30 minutes.

8) Kapag luto na itaktak ang bambook tubes gamit ang kutsilyo.

9) Pahiran ng mantikilya ang puto bumbong. Budburan ng grated coconut at panutsa sa gilid.

Tapos! smile emoticon

1-M HALAGA NG DROGA,NAKUHA SA DRUG MULE

1-M HALAGA NG DROGA,NAKUHA SA DRUG MULE

 Hinuli ang isang 61 anyos na Filipina-Australian citizen na diumano magsisilbi sanang drug mule matapos na makuha sa posisyon nito ang isang kilo ng iligal na droga sa isang hotel.
Ang nahuli ay kinilala na si Dorote Ausan Moye.
Nakuha sa bag ng isang laptop ang nasabing iligal na droga kung saan tinatayang nagkakahalaga ng 11 milyong piso.

Ayon kay Police Inspector Greg Ybiernas ang deputy chief sa Abellana Police Station na ayon sa suspek na ibinigay lamang sa kanya ng dalawang dayuhan na pawang mga nigerian na sinasabing kaibigan ng kasintahan ng suspek na kinilala na si Andrew Wood na sinasabing nakabase ngayon sa bansang Japan.
 
Inutusan diumano siya ng kanyang kasintahan na makipagkita sa kanyang mga kaibigan.Hindi niya umano kilala ang dalawang dayuhan kung saan ang isa sa mga ito ang nag-abot ng nasabing bag sa loob ng isang fastfood chain.

Sinabi umano sa kanya ng mga dayuhan na ibigay ito sa kanyang kasintahan sa oras na makarating siya sa Japan.Nakatakda sana itong bumyahe sa Japan kahapon ngunit habang papunta na siya sa kanyang tinutuluyang hotel ay nagtaka ito na parang may isiniksik na bagay sa loob ng bag kung kayat nagpatulong siya sa mga security guard na tingnan ito.
 
Nakumpirma na iligal na droga ang laman matapos na ipinamoy ito sa mga bomb at drug sniffing dog sa nasabing hotel.
Agad na tumawg ng pulis ang mga security guard at pinahuli si Moye.
Iginiit ni Moye na wala siyang alam na droga ang laman ng nasabing bag.Nakakulong ngayon si Moye sa Abellana Police Station at kukunin naman nila bukas ang CCTV sa fastfood chain kung saan diumano ibinigay ang iligal na droga.

Lahar mula sa Mayon dumadaloy na sa mga ilog

Lahar mula sa Mayon dumadaloy na sa mga ilog
 
 
LEGAZPI CITY-  Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na mayroon nang namataang mga pagdaloy ng lahar sa ilang ilog ng nag-aalburutong bulkang Mayon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, dumaloy umano sa isang maliit na ilog sa pagitan ng Anoling at Mi-isi Channel ang lahar na namonitor ng kanilang earthquake signal noong Sabado na nasundan pa ng mas malabnaw na lahar Linggo ng umaga.
 
Dagdag pa ni Solidum na inaasahan na umano ang pagbaba ng mga deposits sa taas ng Mi-isi Gully na naipon noong nakaraang linggo.
Samantala, sediment-laden spring flow ang nangyari sa iba pang ilog na nakapaligid sa bulkan kung saan nagkulay putik ang tubig.
Paliwanag pa ni Solidum na maoobserbahan ang daloy ng lahar sa ilog sakaling lumutang ang mga bato na dapat sana’y gumugulong sa ilalim ng river bed.
 
Pinaalalahanan naman nito ang publiko lalo na ang mga local authorities sa maiging pagbabantay sa lagay ng panahon gayundin sa malakas na pag-ulan.
Sa kabilang dako, muling namataan ang lava fountaining event sa bulkan dakong alas-7:06 ng gabi na sinabayan ng makapal na buga ng abo at daloy ng lava sa mga dalisdis nito.

Banta sa buhay Duterte sa India, paghihiganti sa pagkatalo ng ISIS sa Marawi – Palasyo

Banta sa buhay Duterte sa India, paghihiganti sa pagkatalo ng ISIS sa Marawi – Palasyo

'ISIS threat' vs Duterte sa India, paghihiganti sa pagkatalo sa Marawi - Palasyo
PCOO Sec. Martin Andanar
 
Kumbinsido ang Malacañang na paghihiganti ang motibo ng ISIS para pagtangkaan ang buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nasa India.
Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, malinaw na ang pagkakatalo ng ISIS-Maute terror group sa Marawi City ang dahilan ng tangkang pagganti kay Pangulong Duterte.
 
Ayon kay Sec. Andanar, maipagmamalaki na sa lahat ng ASEAN leaders, tanging si Pangulong Duterte ang presidenteng nakatalo sa paggalaw ng ISIS.
Inihayag ni Andanar na inaasahang pupuntiryahin ng teroristang grupo ang aniya’y pinakamatapang at pinakamatigas na leader ng ASEAN.
 
Kinumpirma naman ni Andanar na dahil natalo na rin ang ISIS sa Iraq at Syria ay nag-uuwian na sa kani-kanilang bansa ang mga miyembro nito kabilang ang ilang Pilipino para bumuo ng panibagong terror groups sa kanilang pinagmulang bansa.

COLUMN OF PATROL BAYAN-JOSE KOI LAURA


                             
  MGA GURO MAGSASAGAWA NG MASS LEAVE?
 
MAGSASAGAWA umano ng mass leave ang mga Libo-libong Guro kapag hindi tinaasan ang kanilang mga suweldo.
 
Ayon yan kay Benjamin Valbuena, Chairman ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).
 
Aniya matagal ng pinanghahawakan ng mahigit 600,000 Guro ang pangakong binitiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil umano sa  pagtataas ng kanilang mga   
suweldo.
 
Matatandaaan na una ng binigyan ng umento na doble sahod ang mga sundalo , pulis at mga jail officers na papalawigin hanggang 2019.
 
Nararapat lamang na ibigay ang dagdag na umento sa mga guro sapagkat sila ay mahalaga ring instrumento sa paghubog ng mga kabataan at sa ating lipunan at huwag nating kakalimutan na maraming sakripisyo at bayani rin silang maituturing sa kanilang propesyon mula sa pagtuturo sa mga kabataan at pagbabantay ng mga balota kapag may eleksyon.
  
                                     **********************************
          KORAPSYON SA MGA TRAINING CENTER AT MARINA NAGPAPATULOY.
 
HINDI na bago sa ating pandinig ang talamak na bentahan ng mga leakage o reviewer diyan sa Maritime Industry Authority o (MARINA) at hindi lamang diyan sa ahensyang iyan talamak ang dayaan sa pagkuha ng mga pagsusulit para sa mga aspiring license seaman kundi sa mga Reviewer Center at mga Training Center ay ganun din maraming mga seaman ang kumukuha ng mga Trainings sa mga accredited Training Center na mahilig magbayad at hindi pumapasok sa oras ng klase.

Halimbawa na natin ang mga kumukuha ng Basic Training, Management Level at iba pang mahahalagang pagsasanay na kinakailangan sa paghahanap buhay sa Barko ang iba ay hindi mga pumapasok at naglalagay na lamang sa mga Instructor kaya ang siste kapag may aberya o aksidente sa Barko laging disgrasya ang kinalalabasan dahil sa mga INCOMPETENT at bulakbol na mga Seamen Officers and ratings.
 
Mabuti na lamang at may nasampolan na diyan sa Marina na mga sindikato na nagbebenta ng mga LEAKAGE at ayon sa nasibak na Marina Administrator Marcial Amaro III na ang isa sa anim na suspek na natimbog na si Julius Maquera ay anak ng mag asawang mataas na Opisyal ng nasabing ahensya.
 
Well kaya pala MALAKAS ang loob ng mga tarantadong ito ay mayroon mga kapit at padrino sa loob nanawagan tayo sa magiging kapalit ni Amaro na baguhin ang sistema ng pagmamalabis at pangunguwarta sa mga seaman na nag aasikaso ng kanilang mga papeles dahil kayo rin ang maglulubog sa mga barko at mga marino kapag hindi nawala ang korapsyon diyan. 
                                          
sana ay isunod din ang paghuli sa mga namamayagpag na fixers at mga nagpapabayad na Instructor sa mga Maritime Training Center.

1ST OFW SUMMIT INORGANISA NG MGA OVERSEAS FILIPINO WORKERS SA TESDA-ULAT NI NOLAN ARIOLA


1st Overseas  Filipino Workers (OFW) Global Summit na inorganisa ng ibat-ibang organisasyon ng mga OFW mula sa ibat-ibat bansa na isinusulong ang OFW Migrants & OFW Department upang mabigyan proteksyon ang ating mga kababayan OFW sa patuloy na pang-aabuso ng kanilang mga foriegn employer.Nakiisa rin ang mga riders mula sa grupo ng Media Correspondent & Volunteers Organization (MCVO) upang ipakita ang suporta at pagmamahal sa ating mga OFW.